Gilas simula na ng daily practice sa susunod na linggo

By Len Montaño July 23, 2019 - 02:12 AM

Sisimulan na ng national basketball team na Gilas Pilipinas ang araw-araw na practice sa susunod na linggo bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup.

Ayon kay Coach Yeng Guiao, mas marami ng players ang available kaya simula na ang kanilang daily practice.

Hinihintay lang ng Gilas na maging libre ang ibang players mula sa kanilang schedule, gaya ng may mga laro pa sa PBA, para maka-focus sa practice.

Ilang player ng Gilas ang naglalaro pa rin sa 2019 PBA Commissioner’s Cup pero magbabago na ito dahil apat na koponan na lang ang maiiwan.

Nagpasalamat naman si Guiao sa mga players na pumunta sa practice araw ng Lunes kahit may laro pa ang mga ito sa quarterfinals.

Target ng Gilas na umigting ang practice nila sa susunod na linggo at nais ni Guiao na umabot ang line-up sa 70 hanggang 80 percent na performance bago sila pumunta sa training camp sa Spain sa August 4.

 

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, coach Yeng Guiao, daily practice, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, 2019 PBA Commissioner's Cup, coach Yeng Guiao, daily practice, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.