Yeng Constantino nag-sorry sa doktor na tumingin sa kanyang asawa sa Siargao

By Len Montaño July 23, 2019 - 01:41 AM

Screengrab of Yeng Constantino video

Humingi ng paumanhin ang singer na si Yeng Constantino sa doktor na pinangalanan nito sa kanyang vlog kaugnay ng “traumatic” na karanasan nila sa ospital sa Siargao nang maaksidente ang kanyang asawa.

Nag-sorry si Yeng matapos itong batikusin sa social media dahil sa “doctor shaming.”

Sa kanyang YouTube vlog, na tinanggal na ngayon, ay mapapanood ang galit na si Yeng habang kinukuwento nito ang nangyari sa kanyang mister at inakusahan nito ang doktor na wala umanong sense of urgency at pag-aalala.

FB photo

Nagkaroon umano ng “memory loss” ang asawa ng singer na si Yen matapos itong maaksidente sa cliff-diving at dinala sa ospital.

Pero ayon kay Yeng, dala ng matinding emosyun ang ginawa niyang post dahil nasa peligro ang kanyang asawa.

Partikular itong nag-sorry kay Dr. Esterlina Tan at iba pang medical staff na nasaktan anya dahil sa kanyang vlog.

Sa susunod anya ay magiging mas responsable siya sa kanyang mga sasabihin.

Sinabi ni Yeng na unfair ang ginawa nito sa doktor sa social media kaya tinanggal na niya ang kanyang post at vlog.

Sa pagkalat ng vlog ni Yeng ay maraming doktor at estudyante ng medical field ang pumuna sa pamamahiya ng singer sa doktor.

TAGS: cliff diving, doctor shaming, Dr. Esterlina Tan, humingi ng paumanhin, memory loss, nag-sorry, siargao, Yen, Yeng Constantino, cliff diving, doctor shaming, Dr. Esterlina Tan, humingi ng paumanhin, memory loss, nag-sorry, siargao, Yen, Yeng Constantino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.