Ayon sa BOC, ang nasamsam ay mga branded na produkto gaya ng mga bag, pabango, relo at mga sabon.
Nakuha ang mga ito sa mga kwarto na nasa ika-limang palapag ng isang mall.
Ayon kay Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla, kilala na nila ang mga may-ari ng mga pekeng produkto pero inaalam pa kung saan galing ang mga ito.
Posible anyang ipinuslit ang mga pekeng produkto sa mga lehitinong shipment kaya nakalusot.
Dahil peke ay nagbabala ang ahensya sa publiko na bumili lamang sa mga lehitimong tindahan dahil masama ito sa katawan at maaaring magdulot ng mercury poisoning.
MOST READ
LATEST STORIES