P2B halaga ng mga pekeng produkto nakumpiska sa bodega sa Binondo

By Len Montaño July 23, 2019 - 12:40 AM

Nakuha ng Bureau of Customs (BOC) ang P2 bilyong halaga ng mga pekeng produkto mula sa warehouse sa Binondo, Manula Lunes ng hapon.

Ayon sa BOC, ang nasamsam ay mga branded na produkto gaya ng mga bag, pabango, relo at mga sabon.

Nakuha ang mga ito sa mga kwarto na nasa ika-limang palapag ng isang mall.

Ayon kay Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla, kilala na nila ang mga may-ari ng mga pekeng produkto pero inaalam pa kung saan galing ang mga ito.

Posible anyang ipinuslit ang mga pekeng produkto sa mga lehitinong shipment kaya nakalusot.

Dahil peke ay nagbabala ang ahensya sa publiko na bumili lamang sa mga lehitimong tindahan dahil masama ito sa katawan at maaaring magdulot ng mercury poisoning.

 

TAGS: Binondo, bodega, branded products, Bureau of Customs, manila, P2 bilyon, pekeng produkto, warehouse, Binondo, bodega, branded products, Bureau of Customs, manila, P2 bilyon, pekeng produkto, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.