Duterte target ang komportableng buhay ng mga Pinoy sa huling 3 taon ng termino

Screengrab from RTVM video

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang target sa kaniyang nalalabing tatlong taon sa pwesto.

Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA), malinaw aniya ang target ng kaniyang administrasyon na makapagbigay ng komportableng pamumuhay sa sambayanang Filipino sa mga susunod na taon.

Ayon sa pangulo, pinapangarap niya ang mas masigla at magandang buhay para sa bawat Filipino.

Pinapangarap din aniya niyang mapagbuti ang Pilipinas kumpara sa kaniyang nakalakihan.

Dahil dito, nangako si Pangulong Duterte na ihahatid ito sa mga Filipino.

Kung hindi man aniya matupad, humingi agad ng paumanhin ang pangulo.

Ayon pa sa pangulo, ipagpapatuloy aniya ang kaniyang Constitutional duties para pagsilbihan at protektahan ang Pilipinas hanggang sa huling araw ng kaniyang termino.

“Our goal for the next three years is clear. A comfortable life for everybody, all Filipinos. You have made significant sides and accomplished well in signal milestones.. in fascination in the past three years, This momentum must continue with greater forward in the next three year and beyond. I dream of glowing days ahead for every Filipino. I dream of a Philippines better than the one I grew up with. This is my pledge and commitment for just three years if I can. If I cannot, I’m sorry. But I shall continue to comply with the Constitutional duties to serve and protect the Filipinos until the last day of my term,” pahayag ni Duterte.

 

Read more...