Dalagita hinalay ng 3 lalaking dumalo sa kanyang kaarawan

By Len Montaño July 22, 2019 - 10:43 PM

Ginahasa umano ang isang 15 anyos na dalagita ng 2 construction workers at isang mangingisda na dumalo sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa isang beach sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa kaibigan ng hindi pinangalanang biktima, nangyari ang panghahalay Linggo ng madaling araw.

Pumunta anya ang dalagita sa bahay ng mga suspek para magpahinga matapos makainom ng ilang bote ng beer.

Nasaksihan umano ng kabigan ng biktima ang pangyayari habang tulog ang dalagita.

Hinintay ng kaibigan na makaalis ang 3 lalaki saka nito tinulungan ang kaibigan na makauwi.

Nang malaman ng ina ng biktima ang nangyari ay nag-report ito sa pulis at naaresto ang mga suspek na si Jaime Manaa Bonghanoy Jr., 18 anyos, Kyle Padong, 18 anyos at Ronald Andales, 22 anyos.

Nahaharap ang 3 suspek sa kasong rape at child abuse.

 

TAGS: beer, Child Abuse, dalagita, ginahasa, hinalay, kaibigan, Puerto Princesa City, rape, tulog, beer, Child Abuse, dalagita, ginahasa, hinalay, kaibigan, Puerto Princesa City, rape, tulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.