Mga ikinasang protesta sa ikaapat na SONA ni Duterte, ‘generally peaceful’ – PNP
Natapos nang mapayapa ang kaliwa’t kanang kilos-protesta sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, araw ng Lunes (July 22).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na boluntaryo nang umalis ang mga anti at pro-Duterte group sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Wala rin aniyang naitalang untoward incident sa mga rally.
Sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa 4,500 na indibidwal ang nakiisa sa mga anti-Duterte rally habang nasa 3,430 katao naman sa pro-Duterte rally bandang 5:00 ng hapon.
Gayunman, sinabi ni Banac na mananatiling nakaalerto ang PNP para walang maging banta sa araw ng SONA ng pangulo.
Nakahanda pa rin aniya ang kanilang hanay para rumesponde sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Matatandaang umabot sa 14,000 pulis ang ipinakalat para mapanatili ang kaayusan sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.