Pangulong Duterte: “The West Philippine Sea is ours, no ifs and buts”

Photo grab from PCOO’s Facebook live

“The West Philippine Sea is ours, no ifs and buts.”

Ito ang naging sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol mga kritisismo sa sigalot sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), tulad ng kaniyang pangako sa mga ambush interview sa Palasyo ng Malakanyang, tinalakay ng pangulo ang usapin sa West Philippine Sea para i-educate ang kaniyang mga kritiko.

Ipinaliwanag ng pangulo ang pagkukuwestiyon sa Constitutionality ng kaniyang verbal agreement kasama ang China ukol sa pangingisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Muli ring binanggit ng pangulo na ang insidente sa Recto Bank na kinasasangkutan ng 22 mangingisdang Pinoy at Chinese crew members ay banggaan lamang.

Read more...