Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagumpay na rehabilitasyon sa Boracay Island.
Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sinabi ng pangulo ang kaniyang pagkalugod sa panunumbalik ng ganda ng kilalang tourist destination matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.
“I am proud to say that it has been restored close to its original pristine state.”
Niyaya pa ng pangulo ang mga turista at iba pang opisyal ng gobyerno na bisitahin ang isla.
Dahil dito, binati ng pangulo ang pangunguna ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa naging aksyon sa Boracay.
MOST READ
LATEST STORIES