P500K nakakap sa Fastbr3ak’ charity sports event

kieper-ravena
Inquirer file photo

Aabot sa kalahating milyong piso o 500 thousand pesos ang nakalap ng Team Alyssa at Team Kiefer sa kanilang charity game na “Fastbr3ak” para sa mga biktima ng bagyong Nona.

Dinagsa ng mga basketball at volleyball players at fans ang celebrity match na ginanap kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sa naturang charity event, tinalo ng grupo ni Volleyball star Alyssa Valdez ang koponan ni Basketball MVP Kiefer Ravena.

Labis naman ang pasasalamat ni Ravena sa mga manlalaro at supporterts nila na bumili ng tickets at nagpunta sa charity game.

Ani Ravena, ang mahalaga ay nakatulong sila sa mga tinamaan ng bagyo, na nakaka-uplift aniya ng spirit.

Read more...