Nagmartsa ang mga raliyista sa bahagi ng Magsaysay Avenue at nagsagawa ng tinatawag na “People’s SONA” sa People’s Park.
Ilan sa mga binanggit sa rally ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sarah Dekdeken, secretary general ng Cordillera People’s Alliance, ang China ay parang pating na kumakain ng maliliit ng isda tulad ng Pilipinas.
Iginiit nito na hindi dapat mabalot ng takot ang mga Filipino.
Dapat aniyang makahanap ng lakas at tibay ang mga mamamayang Filpino para magkaisa ang bansa.
Sumama sa kilos-protesta ang ilang indigenous people, kabataan at ilang propesyunal.