Ilang grupo, nagsagawa rin ng “People’s SONA” sa Baguio City
Kasabay ng mga kilos-protesta sa Metro Manila, nakiisa ang nasa dalawang daang katao sa rally para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Lunes, July 22.
Nagmartsa ang mga raliyista sa bahagi ng Magsaysay Avenue at nagsagawa ng tinatawag na “People’s SONA” sa People’s Park.
Ilan sa mga binanggit sa rally ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sarah Dekdeken, secretary general ng Cordillera People’s Alliance, ang China ay parang pating na kumakain ng maliliit ng isda tulad ng Pilipinas.
Iginiit nito na hindi dapat mabalot ng takot ang mga Filipino.
Dapat aniyang makahanap ng lakas at tibay ang mga mamamayang Filpino para magkaisa ang bansa.
Sumama sa kilos-protesta ang ilang indigenous people, kabataan at ilang propesyunal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.