Ika-5 na most wanted na pugante sa Tondo, Maynila naaresto sa QC

By Angellic Jordan July 22, 2019 - 04:15 PM

Naaresto sa Quezon City ang ikalimang most wanted na pugante sa Tondo, Maynila dahil s kasong pagnanakaw.

Sa press conference sa Manila City Hall, iprinisinta ni Manila Mayor Isko Moreno ang puganteng si Nikko Bago, 22-anyos.

Ayon sa alkalde, mayroong warrant of arrest laban kay Bago dahil sa pagnanakaw.

Inilabas ang arrest warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 9 noong January 21, 2019.

Anim na buwan aniyang nagtatago si Bago nang mabigyan ng tip ang Manila Police District Station 2 sa pinagtataguan nito sa Quezon City.

Agad nagkasa ng operasyon ang pulisya laban kay Bago sa bahagi ng Quirino Highway sa Novaliches noong July 15.

Kasabay nito, nangako si Moreno na ipagpapatuloy ng pamahalaang lokal ang anti-criminality campaign sa lugar.

TAGS: manila, Mayor Isko Moreno, Nikko Bago, pagnanakaw, Tondo, manila, Mayor Isko Moreno, Nikko Bago, pagnanakaw, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.