Resolusyon para kilalanin ang panalo ni Sen. Pacquiao inihain ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio July 22, 2019 - 12:50 PM

Naghain na si Senator Christopher Go ng resolusyon para parangalan at papurihan si Senator Manny Pacquiao sa pagkakapanalo nito sa kanilang laban ni Keith Thurman para sa WBA super welterweight belt.

Binanggit ni Go sa resolusyon ang patuloy na pagbibigay ng Pambansang Kamao ng karangalan at kasiyahan sa lahat ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagsabak sa boxing.

Banggit nito sa kabila ng pagtupad ng Pacquiao ng kanyang tungkulin bilang mambabatas ay nagagawa pa nitong maging boxing champion.

Pagdidiin nito, dapat parangalan din si Pacquiao dahil sa mga naiaambag nito sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang senador.

TAGS: Senate Resolution, Senator Manny Pacquiao, Senate Resolution, Senator Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.