Divorce ng ‘SongSong couple’ inaprubahan na ng korte

Opisyal na ang hiwalayan ng tinaguriang ‘SongSong couple’ na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Sa ulat ng Korean Times nagsagawa ng closed-door meeting ang family court araw ng Lunes (July 22) at inaprubahan ang divorce settlement ng dalawa.

Nagpadala lamang ng kinatawan ang dalawa at hindi na dumalo sa pagdinig.

Inihain ni Song Joong-ki ang divorce para wakasan ang 20 buwan na kasal nila ni Song Hye-kyo.

Irreconcilable differences ang dahilan na ibinigay nila sa korte.

Read more...