IG followers ni Jane de Leon umabot na sa isang milyon

Ilang araw matapos ianunsyo ang pangalan ng gaganap na Darna, mabilis na dumami ang sumusubaybay sa baguhang aktres na si Jane de Leon.

Noong isang linggo ay ipinakilala si De Leon para gumanap sa bagong movie version ng Pinay superhero at kasabay nito ang pagdami ng kanyang follower sa kanyang social media account.

Sa ngayon, umabot na sa isang milyon ang Instagram follower ni De Leon.

Agad naman itong nagpasalamat sa mga sumusuporta sa kanya.

Nagpost pa si Jane ng larawan sa Instagram kung saan makikita na may hawak siyang number 1 at letter M.

Nilagyan niya ito ng caption na “HIT 1 MILLION! PAYAKAP PO! Maraming Salamat sa pagmamahal at suportang binigay niyo po sakin. MAHAL KO PO KAYO!

Si De Leon ang napili ng Star Cinema bilang kapalit nina Angel Locsin at Liza Soberano sa Darna role.

Read more...