Dalawang linya ng Skyway Stage 3 mula Buendia hanggang Plaza Dilao, binuksan na sa mga motorista

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2019 - 11:43 AM

Magagamit na ng mga motorista ang bahagi ng Skyway Stage 3 partikular ang mula Buendia hanggang Plaza Dilao ramp sa Paco, Maynila at pabalik.

Dalawang linya – northbound at southbound ang binuksan sa Skyway Stage 3 ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Lune, July 22.

Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang opening ceremony on sa bagong ramp na kauna-unahang magagamit na bahagi ng Skyway Stage 3 Project.

Libre muna ang toll fee para sa nasabing daan hanggang sa susunod na buwan para sa mga Class 1 na sasakyan.

Sinabi ni Villar na light vehicles muna kasi ang makagagamit ng kalsada dahil dalawang linya pa lamang ang bukas.

Sa pagbubukas ng Plaza Dilao ramp, limang minuto lamang ang magiging biyahe mula Buendia hanggang Plaza Dilao.

Ayon kay Villar sa ngayon, ang Skyway Stage 3 ay 70% nang kumpleto.

Sa pagtatapos ng taong 2019 ay inaasahang 95% na itong kumpleto.

TAGS: DPWH, Plaza Dilao Ramp, skyway stage 3 project, DPWH, Plaza Dilao Ramp, skyway stage 3 project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.