WATCH: PNP Chief Oscar Albayalde nakikanta ng ‘Wonderful Tonight’ sa mga pulis na naka-deploy para sa SONA

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2019 - 11:19 AM

Nakisaya si PNP Chief Oscar Albayalde sa mga pulis na nakatalaga sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Habang nag-iinspeksyon, nagawa pa ni Albayalde na makikanta sa mga pulis ng kantang “Wonderful Tonight.

Kasama ni Albayalde na kumanta si NCRPO chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Nag-set up ang NCRPO ng videoke sa Commonwealth Avenue para kahit papaano ay maaliw ang mga pulis na naka-deploy ngayong SONA.

Ayon kay Eleazar ang iba kasi sa kanila mula pa lamang kagabi at kaninang madaling araw ay nasa kahabaan na ng Commonwealth.

Iwas stress at tensyon din aniya ito sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

TAGS: albayalde, commonwealth avenue, karaoke, sona2019, albayalde, commonwealth avenue, karaoke, sona2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.