3 Indonesian fishermen nailigtas sa karagatan ng Mati, Davao Oriental
Tatlong Indonesian fishermen ang nailigtas sa karagatang sakop ng Mati City sa Davao Oriental.
Kinilala ang mga mangingisda na sina Paulus Baeruma, 50; Batinus Paniat, 54, at Pente Laberu, 45 na palutang-lutang sa karagatan nang maispatan sa Barangay Bobon.
Ayon kay Mati City police chief, Police Major Bembo Aying, pabalik na ng kanilang bansa ang mga mangingisda nang makasagupa nila ang malakas na hangin dahilan para lumubog ang sinasakyan nilang bangka.
Nabatid na apat na araw na palutang-lutang sa karatagan ang mga dayuhang mangingisda bago sila mailigtas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.