Senator Manny Pacquiao pabalik na ng bansa lulan ng private jet

Pabalik na ng bansa si Senator Manny Pacquiao matapos ang kaniyang tagumpay kay Keith Thurman.

Nakasakay na ng private jet si Pacquiao kasama ang kaniyang pamilya, at nakatakda silang dumating sa bansa bukas araw ng Martes, July 23 ng alas 2:00 ng madaling araw.

Hahabol sana si Pacquiao sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte pero inabisuhan ito ng duktor na huwag munang bumiyahe pagkatapos ng laban.

Ayon sa kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao iniinda kasi ng senador ang pananakit ng kaniyang mata.

Habang nasa biyahe ay patuloy ding sinusuri ang mata ng senador.

Read more...