Toll fee sa SLEX ngayong bisperas ng Pasko at sa mismong Christmas Day, libre

Skyway_SLEX_PNRLibre ang toll fee sa South Luzon Expressway o SLEX at Skyway ngayong bisperas ng Pasko at sa mismong Christmas Day.

Sa abiso ng SLEX at Skyway, may alok silang ‘free’ toll fee mula alas-diyes ng gabi ng December 24, 2015 hanggang alas-sais ng umaga ng December 25.

Makakaasa rin ng libreng toll fee ang mga motorista sa New Year’s Eve at unang araw ng 2016.

Ito’y mula rin alas-diyes ng gabi ng December 31, hanggang alas-sais ng umaga ng January 01.

Read more...