Manila Rep. Benny Abante isinusulong na maging minority leader

By Erwin Aguilon July 22, 2019 - 10:02 AM

Isinusulong ng isang koalisyon sa Kamara upang maging House Minority si Manila Rep. Benny Abante.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kasama sa koalisyon ang pitong miyembro ng Makabayan bloc, ilang taga Liberal Party at mga taga partylist group.

Sinabi ni Zarate, merong koalisyon ang mayorya kaya bumuo din sila ng sariling koalisyon na magiging fiscalizer ng Mababang Kapulungan.

Para naman kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., sampu sila sa partylist group na kasama sa minorya.

Nasa pito naman ang miyembro ng Liberal Party kabilang si Quezon City Rep. Kit Belmonte.

TAGS: 18th congress, minority leader, Radyo Inquirer, rep benny abante, 18th congress, minority leader, Radyo Inquirer, rep benny abante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.