NCRPO sa mga raliyista: Bantayan ang inyong hanay
Mahigpit ang bilin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga raliyista na bantayan ang kanilang hanay.
Ayon kay NCRPO chief, Police Maj. Guillermo Eleazer, hindi naman magagawa ng mga pulis na humalo sa mga grupong nagpoprotesta kaya ang responsibilidad para matiyak na hindi sila mapapasok ng masasamang elemento ay nasa hanap ng mga militanteng grupo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazer na ito ang napagkasunduan sa mga isinagawang pagpupulong bago ang SONA ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagaman walang direktang banta ng terorismo ngayong araw ng SONA, tiniyak ni Eleazar na handa ang pulisya para dito.
Nasa Presidential Security Group (PSG) naman aniya ang kontrol kung magpapatupad ito ng signal jamming sa kasagsagan ng SONA ng pangulo.
Sa panig aniya ng NCRPO, hindi naman sila nag-request na putulin ang serbisyo ng network companies sa National Telecommunications Commission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.