‘Pagibig at pagiging simple sa Pasko, dapat isabuhay’-PNoy
Ipinaalala ni Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanang Pilipino ang mensahe ng pag-iibigan at pagiging simple ng kapaskuhan.
Sa kanyang Christmas Message ngayong taon, binalikan ng pangulo ang kuwento kung paano sa isang simpleng sabsaban isinilang ni birheng Maria si Hesukristo.
Inihayag din ng pangulo ang pinakamahalagang kautusan ni Hesukristo at ito ay ang pag-ibig sa kapwa tao tulad ng pag-ibig niya sa sangkatauhan.
Aniya mismong si Hesus ang nagsabuhay at nagpatotoo sa nasabing kautusan nang harapin niya ang mga pang-aapi at panglalait sa kanya at piniling pasanin ang kalbaryo para matupad ang kanyang dakilang misyon.
Si Hesus ay nagbigay din sa mahihirap at naging tanglaw sa mga walang wala at naging bukal ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Dagdag ng pangulo ang mga pangaral ni Hesus ang isinasabuhay nila sa tuwid na daan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.