Walang extraordinary na magaganap sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress ngayong araw bago ang sesyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga mambabatas ‘all systems go’ na para sa paghahalal ng magiging bagong speaker ng Kamara.
Mistulang tiyak na rin ang pagiging house speaker ni Rep. Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na matunog namang magiging house majority leader, wala nang magiging problema sa proseso ngayong umaga bago ang SONA ng pangulo.
Maghahalal muna ng house speaker, majority leader, at house deputy speakers.
Pagkatapos nito ay ipababatid sa pangulo na handa na ang Kamara na susundan naman ng SONA ng pangulo.
Sama-samang nagsalu-salo sa agahan ngayong araw mga mambabatas bago ang pagbubukas ng sesyon.