Anti-Duterte protests nagsimula na sa Mendiola

By Noel Talacay July 22, 2019 - 08:58 AM

Nagsimula na ang kilos protesta sa Mendiola, Maynila.

Nagmartsa ang grupo mula Morayta at dumating sa mediola alas 8:15 ng umaga.

Ang grupo na nagkikilos protesta ay ang Pambansang Katipunan ng Makabayan Mangbubukid.

Ang mga miyembro nito ay mga magsasaka na galing pang Quezon Province, Bataan at Zambales.

Panawagan ng grupo sa pangulo ang malinaw na proyekto at programa nito para sa mga magsasaka.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na Jun Pascua, ang agri-business na sinusulong ng gobyerno ay hindi nakakatulong sa mahihirap na magsasaka.

Kinokondena rin nila ang ang mga patayan sa likod madugong laban ng gobyerno kontra sa ipinagbabawal na droga.

Ito ang pinakaunang militanting grupo ang nag sagawa ng kulos protesta dito sa Mendiola.

Samantala ayon kay, Police Lieutenant Carlito Grijaldo ng MPD, mayroong 500 pulis ang naka-deploy sa Mendiola.

TAGS: mendiola, Protest Rally, Radyo Inquirer, SONA 2019, mendiola, Protest Rally, Radyo Inquirer, SONA 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.