Cong. Ruffy Biazon hindi agad pinapasok sa Kamara dahil walang car pass

Apektado ang isang kongresista sa mahigpit na seguridad sa Batasang Pambansa ngayong ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, hindi siya agad nakapasok sa gate ng Kamara.

Ito ay dahil wala siyang dalang car pass.

Sinabi ni Biazon na nagpakilala siya sa security pero sinabihan syang kailangang sumunod sa instructions at rules.

Paliwanag naman ni Biazon, kadadating lamang niya kagabi mula sa isang biyahe abroad kaya hindi niya nakuha ang kaniyang car pass.

 

Read more...