‘The Lion King’ nanguna sa US box office; kumita ng $185 million sa unang 3 araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2019 - 08:36 AM

Dinomina ng ‘The Lion King’ ang US box office charts at kumita na ng $185 million sa unang tatlong araw.

Dahil sa nasabing halaga ng kita sa debut ng pelikula, pumangalawa ang ‘The Lion King’ sa best-domestic debut kasunod ng ‘Avengers: Endgame’ na $357 million ang kinita.

Sa buong mundo, umabot sa $531 million ang kinita ng pelikula ng Disney, kasama ang $98 million sa China matapos na magbukas doon ang ‘The Lion King’ nitong weekend.

Pumangalawa sa US box office ang “Spider-Man: Far From Home” na may kinitang $12 million at ikatlo ang ‘Toy Story 4’ na $14 million ang kita.

TAGS: Radyo Inquirer, The Lion King, us box office, Radyo Inquirer, The Lion King, us box office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.