Sunog magkasunod na sumiklab sa Caloocan at Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2019 - 07:48 AM

Dalawang sunog ang halos sabay na sumiklab sa Caloocan at Maynila.

Ayon sa Txt Fire Philippines, tinupok ng apoy ang residential area sa Tawilis Street sa Barangay 28 sa Caloocan.

Nagsimula ang sunog alas 5:38 ng umaga ng Lunes, July 22 na agad itinaas sa unang alarma.

Alas 6:23 naman ng umaga nang maideklarang under control na ang sunog.

Samantala, isang restaurant din ang tinupok ng apoy sa Muelle de Binondo sa Maynila.

Alas 6:04 ng umaga naman ng magsimula ang sunog sa Uno Sea Food Restaurant.

Makalipas ang ilang minuto ay agad ding itinaas sa 1st alarm ang sunog.

Alas 6:29 naman ng umaga nang maideklarang under control ang sunog sa Binondo.

TAGS: caloocan, fire incident, manila, caloocan, fire incident, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.