Temperatura sa Baguio City mas lalong magiging malamig

By Isa Umali December 24, 2015 - 01:32 PM

baguioInaasahang lalong magiging malamig sa tinaguriang ‘Summer Capital of the Philippines’ o Baguio City, hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Ito’y matapos bumagsak sa 13.0 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kahapon.

Ayon sa PAGASA, ang paglamig ng panahon sa Baguio City ay bunsod ng Amihan season kung kailan kadalasang naitatala ang ‘lowest temperatures.’

Noong February 10, 2015, naitala ang 9.8 degrees Celsius sa Baguio City.

Sinabi ng PAGASA na maaaring maranasan muli ito sa Baguio City sa mga darating na araw.

Kaya payo ng weather bureau sa mga residente ng City of Pines, maging sa mga turistang dadayo roon, huwag kalimutang mag-jakcet o sweaters dahil tiyak na tuloy-tuloy ang malamig na panahon doon hanggang sa susunod na taon.

TAGS: baguio city, temperatura sa Baguio City, baguio city, temperatura sa Baguio City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.