Magkakamag-anak na sakay ng SUV pinagbabaril sa Leyte

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2019 - 06:39 AM

Lima ang sugatan makaraang paulanan ng bala ang sinasakyan SUV ng magkakamag-anak sa Jaro Leyte.

Nangyari ang pamamaril sa Barangay Hibucawan sa bayan ng Jaro.

Sakay ng SUV ang pitong magkakaanak kasama ang adalawang menor de edad at dalawang senior citizens.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad sa Jaro, isang sasakyan ang sumabay sa SUV at saka nagpaulan ng bala.

Tinamaan ng bala ng baril ang driver ng SUV dahilan para mahulog ang sasakyan sa gilid ng kalsada na may lalim na limang talampakan.

Nasugatan ang iba pang sakay ng SUV at dinala sa pagamutan sa Tacloban City.

Himala namang hindi tinamaan ng bala ang dalawang bata.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at hot pursuit operation sa mga suspek.

TAGS: ambush, jaro, leyte, ambush, jaro, leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.