Cebu Pacific flight na patungong Narita, Japan dalawang beses na-divert
Isang flight ng Cebu Pacific patungong Japan ang dalawang beses na-divert sa magkaibang paliparan.
Ayon sa abiso ng Cebu Pacific ang flight 5J 5056 Manila to Narita ay na-divert sa Nagoya, Japan dahil sa closure ng runway sa Narita International Airport.
Ang nasabing flight din ay una nang na-divert sa Naha Airport sa Okinawa, Japan habang patungong ng Narita dahil sa medical emergency na naranasan ng isa nitong pasahero.
Kinailangang ibaba ng eroplano ang pasahero at dalhin sa ospital.
Pagdating naman ng Narita, Airport ay sarado ang runway nito dahilan para ma-divert sa Nagoya Airport ang eroplano.
Dahil sa operational limitation sa Narita Airport, ang return flight na 5J 5057 Narita – Manila ay nakansela na.
Ang flight 5J 5056 ay tutuloy pa rin naman pabalik ng Narita galling Nagoya at ang mga pasahero ay isasakay na sa bagong flight na 5J 5086.
Aalis ito ng Nagoya alas 12:00 ng tanghali ngayong Lunes (July 22) – oras sa Pilipinas at darating sa Narita, ala 1:00 ng hapon.
Ang mga pasahero naman ng nakanselang flight 5J 5057 pabalik ng Manila ay ia-accommodate sa susunod na flight bukas.
Tiniyak naman ng Cebu Pacific na naasistihan ang mga pasahero ng dalawang flights, nabigyan ng pagkain at hotel accommodation.
Humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa naging aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.