San Miguel pinataob ang NorthPort; do or die naitulak

By Rhommel Balasbas July 22, 2019 - 12:15 AM

Wagi ang San Miguel Beermen kontra NorthPort Batang Pier sa iskor na 98-94 sa kanilang quarterfinal showdown sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum, araw ng Linggo.

Tandem sina June Mar Fajardo at import Chris McCullough para maitulak ang do-or-die game sa Miyerkules.

Sa natitirang anim na minuto ng laban, hindi na pina-iskor pa ng Beermen ang Batang Pier maliban na lamang nang maipasok ni Lervin Flores ang bola sa natitirang isang segundo kung kailan tiyak na ang panalo ng kalaban.

Para kay coach Leo Austria, naging maganda ang kanilang laro at naging pagkakataon ito para makabawi sa kanilang mga pagkatalo sa elimination round.

“It was a good game for us as we’re able to get this win and a chance to redeem ourselves from our loss [to them] in the eliminations,” ani Austria.

Nakapagtala si McCullough ng 24 points, Fajardo, 11 points habang malaki rin ang naitulong nina Chris Ross at Arwind Santos na may tig-18 at 15 points.

Nanguna naman para sa Batang Pier si Robert Bolick na nagkapagtala 20 puntos.

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, Chris McCullough, June Mar Fajardo, NorthPort Batang Pier, San Miguel Beermen, 2019 PBA Commissioner's Cup, Chris McCullough, June Mar Fajardo, NorthPort Batang Pier, San Miguel Beermen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.