Seguridad para sa ikaapat na SONA ni Duterte kasado na

By Rhommel Balasbas July 22, 2019 - 04:27 AM

Simula ngayong alas-5:00 ng umaga ay ipakakalat na ang 9,162 pulis para sa mga lugar na pagsasagawaan ng kilos-protesta ng pro at anti-Duterte rallyists kasabay ng ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Bahagi ang naturang bilang ng 29,000 miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na isinailalim sa full alert status simula noong Sabado ng umaga.

Nakatalaga ang higit 9,000 pulis sa harap ng St. Peter Parish at sa kahabaan ng IBP road.

Kahapon, araw ng Linggo, nagsagawa ng inspeksyon si NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa pre-deployment ng ilang mga pulis sa IBP Road.

Ayon kay Eleazar, may contingency plan ang pulisya kasama ang Presidential Security Group sakaling harapin ni Pangulong Duterte ang mga raliyista matapos ang SONA tulad ng ginawa nito noong 2017.

Mayroon ding signal jammers para sa cellphones bilang bahagi ng security protocol.

Sa ngayon anya ay wala pang natatanggap na banta sa seguridad para sa SONA ng pangulo.

TAGS: 2019, July 22, National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Rodrigo Duterte, security preparations for SONA, SONA, 2019, July 22, National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Rodrigo Duterte, security preparations for SONA, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.