Robredo, umaasang magiging susi ng pagkakaisa ang SONA ni Duterte

By Rhommel Balasbas July 22, 2019 - 01:52 AM

Umaasa si Vice President Leni Robredo na magiging ‘aspirational’, ‘inspiring’ at ‘unifying’ ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Sa kanyang radio program araw ng Linggo, sinabi ni Robredo na umaasa siyang ang talumpati ng pangulo ay hindi magiging sanhi ng pagkakawatak-watak kundi pagkakaisa.

“I hope his speech will not be divisive, but more of a unifying speech,” ani Robredo.

Ani Robredo, dapat maging panawagan ang SONA ng presidente na tugunan ang problema nang magkakasama.

Dagdag ng ikalawang pangulo, dapat maging inspirasyon ang talumpati ni Duterte para magtulungan at hindi atakihin ang bawat isa.

“I hope it will be more of a call to unite so we can address our problems together. I hope it will inspire the people to work together and not to attack each other, ” dagdag ni Robredo.

Nais naman ni Senate President Vicente Sotto III na marinig mula sa pangulo ang gagawing mga istratehiya para sa demand reduction at rehabilitasyon sa drug war ng gobyerno.

Pinuri ni Sotto ang drug war sa gitna ng nabawasang suplay ng droga makaraang masamsam ang tone-toneladang shabu at maaresto ang mga drug dealers simula noong 2016.

Gayunman, dapat anyang magsagawa ng mga hakbang para maiwasang masangkot ang kabataan sa iligal na droga.

TAGS: aspirational, drug war, ikaapat na SONA, inspiring, Rodrigo Duterte, State of the Nation Address (SONA) 2019, unifying, Vice President Leni Robredo, Vicente Sotto III, aspirational, drug war, ikaapat na SONA, inspiring, Rodrigo Duterte, State of the Nation Address (SONA) 2019, unifying, Vice President Leni Robredo, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.