ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo ngayong linggo

By Rhommel Balasbas July 22, 2019 - 02:56 AM

Matapos ang limang sunod na linggong price hike, may rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa abiso ng Shell, may bawas na P0.25 kada litro ang kanilang gasolina, P0.20 kada litro sa diesel at P0.40 kada litro sa kerosene o gaas.

Parehong bawas-presyo ang ipatutupad ng Petro Gazz sa kanilang gasolina at diesel.

Epektibo ang bawas-presyo ng dalawang kumpanya ng langis alas-6:00 ng umaga ng Martes, July 23.

Samantala, ang Seaoil naman ay magpapatupad din ng P0.25 na rollback sa presyo ng gasolina ngunit epektibo na agad alas-6:00 ngayong umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

TAGS: Oil price adjustments, oil price rollback, Petro Gazz, Seaoil, Shell, Oil price adjustments, oil price rollback, Petro Gazz, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.