BOC ‘Business as usual’ kahit holiday season

By Ruel Perez December 24, 2015 - 12:07 PM

customsTiniyak ng pamunuan ng BOC o Bureau of Customs na ‘business as usual’ ang lahat ng port sa mga petsang December 26,30 at 31 .

Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, kabilang sa mga ports na bukas ang Port of Manila, MICP o Manila International Container Port,Ninoy Aquino International Airport,Port of Cebu,Batangas,Davao,Subic at Clark sa mga naunang nabanggit na petsa.

Mananatili namang operational ang NAIA sa December 24 at 25, 2015 at January 1, 2016.

Samantala nagbabala din si lina sa publiko at sa mga stake holder sa aduana sa mga nagpapangap na mga miyembro ng Task Force Sunshine, na nangongolekta o nangingikil ng malaking halaga ng pera kapalit umano ang tinatawag na proteksyion sa kanilang transaksyion sa Bureau of Customs.

Nilinaw ni Lina, na wala silang tinatawag na “Task Force Sunshine” lalo na at wala silang grupo o mga tauhan na inatasan na mangikil sa mga negosyante.

TAGS: Bureau of Customs, business as usual, Bureau of Customs, business as usual

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.