M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

By Rhommel Balasbas July 22, 2019 - 01:13 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-12:55 madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 106 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim ang pagyanig na 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

TAGS: Burgos, PHIVOLCS-DOST, surigao del norte, Tectonic earthquake, Burgos, PHIVOLCS-DOST, surigao del norte, Tectonic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.