Bea at Gerald, hiwalay na?

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga ispekulasyong hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ito ay dahil sa mga posts ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account, araw ng Linggo, July 21.

Isang black photo ang ipinost ng aktres na may caption na hindi maaaring gawin ang isang pagkakamali ng dalawang beses dahil kapag ginawa na anya ito muli ay hindi na ito pagkakamali kundi isa nang desisyon.

Karugtong ng nasabing caption ay ang salitang ‘enough’.

Isa pang mensahe ang naka-post sa Instagram Stories ni Bea na kapag ginawa ng tao ang isang bagay ay tiyak na gagawin niya ito ulit.

Matapos ang posts ng aktres ay agad nagtrending sa Twitter Philippines ang mga pangalang ‘Julia’ at Gerald.

Ilan sa mga netizens ang nag-assume na para kay Gerald ang post ni Bea.

Nag-viral din ang umano’y larawan nina Julia Barretto at Gerald na magkasama sa 30th birthday party ni Rayver Cruz noong Sabado, July 20.

Magugunitang hiwalay na sina Julia at Joshua Garcia.

Mas lalo pang nagpalakas sa mga ispekulasyon ang pag-like ni Joshua sa Instagram post ni Bea.

Naging magkarelasyon sina Bea at Gerald taong 2010 ngunit nagkahiwalay at nagkabalikan noong 2016 matapos ang pelikulang ‘How to Be Yours.’

Read more...