Talumpati ni Duterte sa ikaapat na SONA, posibleng hindi tumagal ng higit isang oras – Andanar

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 08:25 PM

Inaasahang magiging maiksi ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na pinili ng pangulo na basahin lamang ang kaniyang talumpati.

Nais din aniya ng pangulo na iwasan ang pagdadagdag ng ad-lib sa kaniyang talumpati.

Base sa pagsasanay ng pangulo noong Biyernes, sinabi ni Andanar na tumagal ang talumpati nang 45 minuto hanggang isang oras.

Maraming beses aniyang in-edit ng pangulo ang talumpati kung kayat mula sa kabuuang 28, umabot na lamang ito sa 19 pahina.

TAGS: Martin Andanar, pcoo, Rodrigo Duterte, SONA, Martin Andanar, pcoo, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.