MOA sa Anti Motorcycle-Riding Suspects Patrol sa Pasig, pinirmahan na ni Mayor Sotto
Pinirmahan na ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang memorandum of agreement (MOA) para sa Anti Motorcycle-Riding Suspects Patrol.
Layon nitong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga kalsada ng lungsod.
Ayon sa alkalde, mahigit-kumulang 30 riders’ clubs ang nangako ng pakikiisa sa Anti-Motorcycle-Riding Suspects Patrol.
Katuwang din sa crime prevention effort ang Philippine National Police (PNP) at local government.
Dumalo naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa seremonya sa Pasig City Sports Complex.
Sinabi pa ni Sotto na ito ay halimbawa ng aniya’y citizen engagement na makatutulong sa pagresolba ng mga problema sa komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.