P1M pabuya, alok ni Pangulong Duterte para mahuli ang utak sa pagpatay sa 4 pulis sa Negros Oriental

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 07:50 PM

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P1 milyong reward money para mahuli ang mga responsable sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ibibigay ang P1 milyon para mahuli ang mga utak at gumawa ng ambush, patay man o buhay.

Samantala, P50,000 na pabuya naman ang ibibigay para mahuli ang lahat ng kasabwat sa krimen.

Nakikiramay aniya ang Office of the President sa naiwang kaanak ng mga napatay na pulis.

Kasabay nito, mariin anilang kinokondena ang pagpatay sa mga biktima.

Tiniyak naman ni Panelo na mabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng apat na pulis.

Matatandaang bumisita si Duterte sa lamay ng mga nasawing pulis at ginawaran ang mga ito ng PNP medals of merit.

TAGS: Negros Oriental, pabuya, Pangulong Rodrigo Duterte, Pulis, Reward money, Negros Oriental, pabuya, Pangulong Rodrigo Duterte, Pulis, Reward money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.