Manny Pacquiao, hindi makakadalo sa ikaapat na SONA ni Pangulong Duterte

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 06:50 PM

Hindi na makakadalo si Senator Manny Pacquiao sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Ayon sa asawa nitong si Jinkee Pacquiao, inabisuhan ang senador ng mga doktor na bumalik ng Pilipinas Linggo ng gabi, oras sa Amerika, habang Lunes ng umaga naman sa Pilipinas.

Sinabi ni Jinkee na masakit ang mata ni Pacquiao matapos ang mga tinamong suntok sa boxing match kontra kay American boxer Keith Thurman.

Maliban dito, wala na aniyang ibang iniinda ang Filipino boxing icon.

Matatandaang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakatanggap siya ng text message mula kay Pacquiao na magkikita sila sa Lunes, sinyales ng pagdalo sana nito sa SONA ng Punong Ehekutibo.

TAGS: manny pacquiao, Pangulong Duterte, SONA, manny pacquiao, Pangulong Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.