Residential apartment, nasunog sa V. Mapa Sta Mesa Maynila

By Ruel Perez December 24, 2015 - 11:41 AM

ruel sunog 1
Ruel Perez

Nadamay at ganap na nasunog ang bahay na nasa likod ng residential apartment ng pamilya Fortich na naunang tinupok ng apoy sa kanto ng Guadalcanal at V Mapa Sta Mesa Maynila.

Ayon kay Manilyn P. Morfe, naninirahan sa likod ng bahay ng mga Fortich, nadilaan lang ng apoy ang tirahan na gawa sa light materials kaya mabilis na naabo sa apoy.

Sa pagtaya ng Manila BFP tinatayang nasa 500 libong piso ang halaga natupok ng apoy na nakaapekto sa 3 pamilya.

Wala naman nasugatan o nasaktan sa sunog na nagsimula 9:15 ng umaga, at umabot sa ikatlong alarma hanggang tuluyan ma ideklara fire out 10:20 ng umaga.

TAGS: nasunog, Residential apartment, V. Mapa Sta Mesa Maynila, nasunog, Residential apartment, V. Mapa Sta Mesa Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.