Nilinaw ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na walang siyang intensyon na tumakbong pulitiko.
Kumakalat kasi sa Instagram ang mga larawan ni Heart kung saan binibisita nito ang ilang ospital at pampublikong pamilihan sa Sorsogon kung saan gobernador ang kaniyang asawa na si Chiz Escudero.
Noong Biyernes, July 19, nag-post si Heart ng larawan kung saan magkasama sila ni Chiz.
Ibinahagi ni Heart sa caption ng larawan na tinatalakay nila ang plano umano para sa hinaharap.
Isang follower ni Heart ang nagtanong kung may balak tumakbo bilang pulitiko ang aktres.
Sagot ni Heart, wala siyang balak tumakbo dahil hindi aniya niya kailangan ng kapangyarihan para tumulong.
MOST READ
LATEST STORIES