LOOK: Libu-libong Hong Kong nationals, nagkasa muli ng protesta vs China extradition Bill
Hindi alintana ng Hong Kong nationals ang init sa bansa dahil nagsagawa muli ng kilos-protesta laban sa kontrobersyal na China extradition Bill, araw ng Linggo.
Nagsimula ang martsa ng mga raliyista sa Victoria Park patungo ng Causeway Bay hanggang sa Wanchai.
Milyun-milyong Hong Kong nationals na ang nakikilahok sa serye ng mga protesta para labanan ang planong extradition bill.
Sa loob ng ilang linggo, tuluy-tuloy na nagsasagawa ng protesta ang mga Hong Kong nationals oara ipakita ang pagtutol sa panukalang batas.
Naging sigaw na rin ng mga raliyista ang pagbaba ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam dahil sa umano’y pagiging ‘bias’ nito sa China.
Humingi naman ng tawad si Lam sa nagaganap na kaguluhan sa bansa at idineklarang patay na ang planong China Extradition Bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.