Mga astronaut na kasama sa Apollo 11 mission, pinarangalan

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 05:54 PM

Pinarangalan bilang mga bayani ang mga astronaut sa Apollo 11 mission kasabay ng pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng misyon.

Binigyan ng parangal ni US Vice President Mike Pence ang astronaut na sina Buzz Aldrin at Michaek Collins na ikalawang tao na nakatapak sa buwan.

Ginanap ang awarding ceremony sa mismong launch pad ng Cape Canaveral, Florida na ginamit ng Apollo 11 space craft noong taong 1969.

Ayon kay Pence, kung hindi bayani sina Aldrin at Collins, wala nang maaring tawagin bilang bayani.

Sa ngayon, pinaplano ng NASA na magdala muli ng bagong grupo ng mga astronaut sa Buwan sa taong 2024.

Samantala, una namang ipinahayag ni U.S. President Donald Trump na hindi siya interesadong magpadala ng mga astronaut sa Buwan dahil mas nais nitong maipadala ang mga astronaut sa Mars.

Ayon kay NASA Administrator Jim Bridenstine, kinakailangan munang dumaan sa Buwan bago matuloy ang planong pagpapadala ng mga astronaut sa Mars.

TAGS: Apollo 11 mission, Buzz Aldrin, Michaek Collins, Apollo 11 mission, Buzz Aldrin, Michaek Collins

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.