Ilang kongresista, nakiisa sa pagdiriwang sa pagkapanalo ni Pacquiao

Nakiisa ang ilang kongresista sa pagdiriwang sa pagkapanalo ni Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Keith Thurman.

Sa isang pahayag, binati ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles si Pacquiao.

Aniya, ipinakita ni Pacquiao ang tunay na mukha ng isang Filipino bilang mahabagin, matapang at marangal.

Nagpapahiwatig din aniya ang pagkapanalo ni Pacquiao na posibleng maabot ang hangarin sa pamamagitan ng disiplina, dedikasyon at hard work.

Manalo o matalo, sinabi ni Nograles na magiging kakampi ni Pacquiao ang mga Pinoy.

Ayon naman kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang pagkapanalo ni Pacquiao ay katibayan sa pagtatagumpay ang karanasan at pananampalataya sa Panginoon.

Sa kabila ng edad, natalo ni Pacquiao si Thurman sa pamamagitan ng kaniyang bilis at solid combinations.

Wala aniyang duda kung bakit maraming tao sa buong mundo ang umaasa sa rematch nina Pacquiao at Mayweather.

Read more...