2 patay matapos manood ng Pacquiao-Thurman fight

Nasawi ang isang lalaki matapos umanong atakihin sa puso habang nanonood ng boxing match nina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa isang public viewing sa Marikina City.

Ayon sa Marikina police, nanonood ang biktimang si Salvador Abay, 68-anyos, sa Manotoc Covered Court nang biglang mawalan ng malay bandang pasado 12:00 ng tanghali.

Sinabi ng mga kaanak nito na maysakit sa puso si Abay.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring patay.

Samantala, inatake rin sa puso ang biktimang si Lorenz Dizon matapos manood ng Pacquiao-Thurman fight sa Cebu City.

Sa isang panayam, sinabi ni Michael Gacasan, kapitan ng Barangay Guadalupe, na itinakbo si Dizon sa Vicente Sotto Medical Memorial Center (VSMMC) bandang 1:35 ng hapon, ilang minuto matapos manood ng boxing match sa barangay hall.

Idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor si Dizon sa VSMMC.

Read more...