Pagkapanalo ni Pacquiao vs Thurman, nagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy – AFP, PNP
Tinawag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) si Senator at Filipino boxer Manny Pacquiao bilang inspirasyon sa pagkakapanalo laban kay Keith Thurman.
Sa inilabas na pahayag, binati ni AFP public affairs chief Col. Noel Detoyato si Pacquiao.
Sumasalamin aniya ang pagkapanalo ni Pacquiao sa kaniyang legacy at galing ng isang Pinoy.
Ang dedikasyon, hard work at pagsasakripisyo aniya ni Pacquiao ang nagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy lalo na sa militar.
Ang kaniyang lakas mula sa pagiging mapagkumbaba at mahabagin ang tunay na panalo sa ating mga puso at isipan.
Samantala, binati rin ng PNP ang umano’y “impressive victory” ni Pacquiao na nagdala ng “honor and glory” sa bansa.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni PNP Deputy Spokesperson Lt. Col. Kimberly Molitas na nakikiisa ang kanilang hanay sa tagumpay ni Pacquiao.
Kaisa aniya ang kanilang hanay sa pagdarasal ng bawat Pinoy para makuha ni Pacquiao ang panibagong tagumpay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.